Ang problema sa mga CICL — matagal na itong laganap sa buong bansa at lalo pang tumitindi sa paglipas ng panahon.
May karaniwang profile ang mga CICL, ayon sa 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻 (𝗖𝗪𝗖) — Ayon sa ahensya, ang mga CICL sa bansa ay karaniwang nasa edad 14 hanggang 17, mababa ang educational attainment, at kabilang sa mga malalaki at maralitang pamilya at tumigil na sa pag-aaral.
Kaugnay nito, isinagawa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamamahala ni 𝗖𝗦𝗪𝗗𝗢 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪 ang 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 (𝐻𝑎𝑟𝑚𝑜𝑛𝑖𝑜𝑢𝑠 𝐸𝑛𝑐𝑜𝑢𝑛𝑡𝑒𝑟 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝐴𝑖𝑚𝑠 𝑡𝑜 𝑅𝑒𝑐𝑜𝑛𝑛𝑒𝑐𝑡 𝑎𝑛𝑑 𝑇𝑟𝑎𝑛𝑠𝑓𝑜𝑟𝑚) 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗜𝗖𝗟 (𝐶ℎ𝑖𝑙𝑑𝑟𝑒𝑛 𝐼𝑛 𝐶𝑜𝑛𝑓𝑙𝑖𝑐𝑡 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝐿𝑎𝑤). Umikot ang kanilang talakayan sa ilang mahahalagang usapin at puntos gaya ng gampanin ng magulang, karapatan at responsibilidad ng mga bata, importansya ng ‘family time’ at iba pang mga usapin na makatutulong maresolba ang suliranin ng mga CICL, kanilang mga magulang at buong pamilya.
Samantala, paniniwala naman ng Ina ng Lungsod 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, na una sa dapat na mabago sa ating pananaw tungkol sa CICL ay ang pagtingin natin sa kanila. Kung tayo man ay nasanay na ituring sila na mga offenders o lumalabag sa batas, panahon na para sa isang radikal na paradigm shift: tingnan natin sila bilang mga bata na dapat sagipin at proteksyunan.
Ayon naman kay CSWDO Juvy Bahia, ang mga batang in conflict with the law ay produkto ng ating kapaligiran. Sila ay nawala sa direksyon bunga ng kaguluhan sa pamilya, kahirapan, gutom, pamayanang ginagalawan at lipunan.
Kaya naman para sa Ina ng Lungsod, nararapat lamang na mabigyan sila ng TAMAng pansin upang maituwid ang kanilang landasin.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa ABC Hall, City Hall Complex, Guinobatan Calapan City, Miyerkules ika 16 ng Agosto.