Pinaghandaan at pinakaabangan ng mga atletang Calapeño ang pagkakataong muling makapagpamalas ng kani-kanilang galing sa iba’t-ibang larangan ng sports – sa kilalang CCAA o CALAPAN CITY ATHLETIC ASSOCIATION.
Ngayon taon, matapos maapektuhan ng pandemya, naging agresibo ang Administrasyong Morillo-Ignacio upang muling maihatid sa taumbayan ang kinapapanabikang tapatan ng mga kolehiyo sa lungsod katuwang ang City Youth & Sports Development Department sa pangunguna ni Mr. Marvin Panahon.
Ika 25 ng Oktubre isinagawa ang Opening Ceremony ng CCCAA. Dumadagundong na hiyawan ang bumalot sa Sentrong Pangkabataan Gymnasium na syang napili at nakitang TAMAng venue para sa mainit na pagbabalik ng CCAA na ngayon ay nasa Season 17 na.
Liksi, tibay, determinasyon, sportsmanship, team work at init ng pagmamahal sa sports, ang ilan lamang sa mga hinahangaang katangian ng isang atletang Calapeño na sumasabak sa pamosong CCAA, na ngayon – dahil sa oportunidad na ibinigay ni Calapan City Mayor Malou Flores Morillo ay maipamamalas muli ng maraming kabataan ng Calapan.
Nagsusumidhing puso ng mga atletang Calapeño ang siya namang sinimbulo ng isinagawang lighting of torch na sakto rin sa tema ngayong taon na “Ignite the Passion”. Sa paglagablab ng apoy, sinimbolo rin nito ang init ng suporta ng Administrasyong Morillo-Ignacio sa mga promising athlete ng lungsod.
Walang humpay na cheers and yells naman ang ipikita ng bawat kuponan habang rumarampa ang kanilang mga kinatawan para sa Mr. & Ms. CCAA.
Naipakita naman ng Ina ng Lungsod ang kanyang pagiging ‘young at heart’ nang paunlakan at makiisa siya at si Vice Bim Ignacio sa isinagawang mass dance, na hindi maikakailang naging isa sa highlights ng nasabing Opening Ceremony.
Naging lubos ang tagumpay ng muling pagbubukas ng CCAA sa inisyatiba ng Administrasyong Morillo-Ignacio at dahil na rin sa suportang ipinakita at ipinaabot ng mga konsehal ng lungsod, Department Heads & Program Managers, College Presidents, Sports Coordinators, Coaches, Admins, at nina 1st District Representative – Cong Arnan Panaligan, 2nd District Representative – Cong Alfonso “PA” Umali Jr. at Governor Bonz Dolor na walang pag-aalinlangang ipinahiram ang naturang Sentrong Pangkabataan Gymnasium para magbigay daan sa naturang Opening Ceremony. Nakapagpataas namang lalo ng morale ng mga kabataan nang ianunsyo ng Gobernador at ng kanyang may bahay na si Madam Hiyas ang 10k per school na consulation prize na ibibigay nila sa mga makakakuha ng 8th – 4th place, 20k para sa 3rd place, 30k sa 2nd place, at tumataginting na 50k para sa makakasungkit ng kampyonato.
Sa ipinakitang gigil ng mga dumalo sa CCAA Opening Ceremony, inaasahang magmamarka ang CCAA Season 17 bilang TAMAng pagkakataon para sa TAMAng paglinang sa kagalingan ng ating mga kabataan.





