TAMANG BINHI NAMAN PARA SA MAHIGIT 1,500 MAGSASAKANG CALAPEÑO

Umabot sa 1,518 magsasaka ang nakinabang at 2,931 bags ng binhi ang ating naipamahagi sa iba’t ibang barangay sa Calapan simula nang isagawa natin ang

distribusyon ng Hybrid Rice Seeds. Kasama sa mga varieties ng binhi ang LP2096, LP937, JACKPOT, US 88, at NK5017.

Katuwang ang City Agricultural Services Department (CASD) at si Engr. Jasper B. Adriatico, naging matagumpay po ang pamamahagi natin ng Hybrid Rice Seeds sa 13 barangay sa ilalim ng Department of Agriculture Masagana Rice Industry Development Program.

Natapos na po tayo sa Brgy. Nag-Iba I, Nag-Iba II, Comunal, Canubing I, Canubing II, Sta. Cruz, Malamig, Sta. Isabel, Balingayan, Tawagan, Buhuan, Biga, at Bayanan II, at patuloy po ang ating pagsisikap na maipamahagi ang binhi sa iba pang barangay.

Samantala, nagpapasalamat din po ako sa ating mga nakasama na dumalo at nagpakita ng pagsuporta sa ating aktibidad, ang Team TAMA. Nariyan sina Judge Paddy Padilla, City Councilor Atty. Jel Magsuci, Mr. Joseph Umali, Mr. Jaypee M. Vega, Former City Councilor Ms. Mylene de Jesus, Mr. Ruel Cosico, Atty. Ejay Baculo, Dr. Mervin Tan, Ms. Agatha Ilano, Mr. Keenan Gupit Comia, at Ms. Samantha Gutierrez Bug-os.