Mahigit 600 na aklat ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod sa Parang National High School nitong ika-9 ng Disyembre.
Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores – Morillo at ni Ms. Claire Benter na siyang namamahala sa City Public Library ang Tamang Aklat para sa Lahat Program.
Layunin ng programa na magbigay ng mga libro sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na magiging instrumento naman sa epektibong pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Gayundin, hangad ng Pamahalaang Lungsod na makatulong sa mga paaralan na makapagbigay ng de kalidad na edukasyon.
Makakatanggap din ang iba pang mga paaralang elementarya at sekondary ng mga aklat sa susunod pang mga araw (Thea Marie J. Villadolid/CIO).









