Symposium on VAW Laws

Patuloy ang pagsasagawa ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo ng mga aktibidad na naka-angkla sa, 2024 ’18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)’, na mayroong temang “VAW: Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras!”

Kaugnay nito, ika-10 ng Disyembre, sa Kalap Covered Court, City Hall Complex, Brgy. Guinobatan, isinagawa ang ‘Symposium on VAW LAWS’.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga Punong Barangay sa lungsod ng Calapan, VAW Desk Officers, Student Leaders, at samahang KALAPENYA.

Ilan lamang sa makabuluhang tinalakay dito ay ang: Procedural Approach in Proper Handling VAWC Cases, VAW Laws, CSWDD VAW data, PNP VAW data, at madami pang iba.

Ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ay isang taunang pagdiriwang na kadalasang nagsisimula mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 na naglalayong itaas ang kamalayan at mga hakbang sa pagprotekta sa karapatan ng mga kababaihan laban sa lahat ng uri ng karahasan na nakabatay sa kasarian.

Naging posible ang katuparan ng nasabing aktibidad sa mainit na suporta at pakikipagtulungan nina EnP. Ivan Stephen F. Fadri, City Director, DILG MIMAROPA Region, Ms. Krisha Aicel G. Bulaclac, Social Welfare Assistant CSWDD, Pat. Jenerose Atienza PNP Women’s Desk, Atty. Rey Daniel S. Acedillo, Acting City Administrator/Legal Officer, at Calapan City GAD Focal Person, Ms. Junie Rose Gahol.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791