SPORTS CLINIC, MUSIC AND ARTS WORKSHOP — BASKETBALL

Nagtungo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay Camansihan, nitong ika-25 ng Hunyo,

para bisitahin at kumustahin ang mga kabataang nagpapakadalubhasa sa larangan ng Basketball sa ilalim ng “Sports Clinic, Music and Arts, Workshop” na naisakatuparan, sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Youth and Sports Development Department, sa pamumuno ni CYSDD Officer, Mr. Marvin L. Panahon.

Nakadaupang-palad dito ng Punong-lungsod, kasama sina Former City Councilor Ms. Mylene De Jesus, at Ms. Agatha Ilano ang mga batang pursigidong nag-aaral at nag-eensayo ng nasabing sports, sa tulong ng kanilang mga mahuhusay na tagapagsanay.