SPECIAL PROGRAM FOR THE EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES)

GOOD NEWS PARA SA MGA KABATAAN AT KA-PESONG CALAPEÑO!

Huwebes, ika-20 ng Hunyo, nagsagawa ng oryentasyon para sa Special Program for the Employment of Students (SPES) ang Calapan City PESO, sa pamamagitan ni Dr. Eder Apolinar M. Redublo.

Sa naturang oryentasyon ay binigyang diin ni PESO Manager, Dr. Redublo ang layunin ng programa gayundin ang mga kinakailangang dokumento at responsibilidad ng isang benepisyaryo kung saan sila ay nakatakdang i-deploy sa iba’t ibang tanggapan at opisina ng Pamahalaang Lungsod.

Ang SPES ay nabuo sa ilalim ng Republic Act No. 7323 na naglalayong makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga kabataang nangangailangan ng tulong pinansyal upang masuportahan ang kanilang pag-aaral at maging produktibo habang nakabakasyon sa paaralan.

Ayon naman sa Alkalde, “Nawa’y magkaroon kayo ng kapaki-pakinabang na karanasan at matuo ng napakaraming bagay na magagamit ninyo sa inyong pipiliing propesyon. At kami naman po mula sa city government ay gagawin ang lahat upang mas marami pa ang mabigyan ng pagkakataon na makasali sa napakagandang programang ito.”

Nasa halos 100 kabataan ang napabilang at naging kuwalipikado sa nasabing programang ito ng City PESO at ng Deparment of Labor and Employment (DOLE).

Nakatakdang mag-umpisa ang kanilang trabaho sa Lunes, ika-24 ng Hunyo, na tatagal ng dalawampung (20) araw.