“Sparrow Camansihan Study House” sa Lungsod ng Calapan

Nitong ika-13 ng Pebrero, bumisita sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Calapan City Hall ang mga kasapi ng Sparrow Foundation sa pangunguna ni Mr. Remco Pijper, upang ihatid

ang magandang balita sa punong-lungsod, kaugnay sa pagbubukas ng “Sparrow Camansihan Study House” sa Lungsod ng Calapan. Ayon sa Sparrow Foundation, sa itinayong bagong study house na ito, ang mga guro at social worker any silang gagabay sa mga underprivileged children, upang matulungan silang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, at mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng oportunidad na makapagpapabago sa kanilang buhay, tungo sa maayos at magandang hinaharap na walang kahirapan.