Bagamat mas bukas na ang pananaw ng lipunan pagdating sa konsepto ng hindi buong pamilya, hindi pa rin naman maikakila ang hirap na gampanan ang parehas na papel ng pagiging nanay at tatay sa mga anak.
Batid ng Administrasyong Morillo-Ignacio ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ng mga solong magulang o mga solo parent, dahilan upang ito ang bigyang pansin sa pagdiriwang ng Solo Parent’s Day 2022, ika 11 ng Nobyembre na ginanap sa Nuciti Mall na pinangunahan ng CSWD sa pamamahala ni Madam Juvy Bahia.
Paniwala ni Calapan City Mayor Malou Flores Morillo, hindi biro ang magtaguyod ng mga anak lalong higit kung ikaw ay walang katuwang sa buhay. Kaya layon ng kanyang liderato na makapagbigay ng nararapat na tulong at ayuda upang mapunan ang mga gap sa pangangailangan ng ating mga itinuturing na solo parent.
Naroroon at nagbahagi rin ng kanyang kaalaman si Board Member Jocelyn Neria, na tinalakay at ipinaliwanag sa mga naroroong solo parent ang nilalaman ng RA 11861 o Expanded Solo Parent Welfare Act of 2022.
Naging matagumpay ang Solo Parent’s Day dahil na rin sa mga indibidwal na nagpakita ng kanilang mainit na suporta sa naturang aktibidad sa pangunguna ni City Mayor Malou Morillo, Vice Bim Ignacio, Madam Charissa Flores, Konsehal Genie Fortu at buong tanggapan ng CSWD sa pangunguna ni Madam Juvy Bahia RSW – CSWDO.




