Naipagkaloob na sa mga Barangay Officials ng 62 barangays ng Calapan City na kinabibilangan ng mga Kapitan, Kagawad, SK, Secretary at Treasurer ang pondo para sa kanilang 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗼-𝗖𝗶𝘃𝗶𝗰 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 mula sa Office of the Deputy Secretary for Finance and Administration ng Office of the President, Pebrero 17,2023 sa Local Government Center, City Hall Complex Calapan City.

Ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 ng City Government ang siyang naatasan upang maipaabot sa mga barangay officials ang nasabing pondo na nagkakahalaga ng 𝗧𝘄𝗼 𝗠𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘆-𝗦𝗶𝘅 𝗧𝗵𝗼𝘂𝘀𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗲𝘀𝗼𝘀 (𝗣𝟮,𝟬𝟰𝟲,𝟬𝟬𝟬).

Tumanggap ng tig-tatatlong libong piso (𝗣𝟯,𝟬𝟬𝟬) ang bawat isang barangay official na kanilang ipinagpasalamat sa Pamahalaang Nasyunal at gayundin naman sa Pamahalaang Lungsod sa inisyatiba nito agad iparating sa kanila ang nasabing tulong.

Upang samantalahin na rin ang pagkakataon na makaharap at kamustahin ang mga elected at appointed Barangay Officials ng lungsod ay dumalo sa gawain si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.

Sa liham na ipinadala mula sa tanggapan ni 𝗔𝗺𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗟𝗶𝗯𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼, 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ay hinihingi nito ang ‘𝒑𝒓𝒐𝒐𝒇 𝒐𝒇 𝒓𝒆𝒄𝒆𝒊𝒑𝒕 𝒅𝒖𝒍𝒚 𝒔𝒊𝒈𝒏𝒆𝒅 𝒃𝒚 𝒕𝒉𝒆 𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝒐𝒇𝒇𝒊𝒄𝒊𝒂𝒍𝒔’ mula sa tanggapan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿 𝗡𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 bilang patunay na maayos naipatupad ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 ang atas na ibinaba dito ng National Government.