SOCIAL PENSION PAYOUT SA SENIOR CITIZENS

Pinangunahan ni Mayor Malou Flore-Morillo, katuwang ang CSWD, DSWD MIMAROPA (DO), at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, ang pamamahagi ng cash assistance sa mga senior citizen ng Calapan City.

Isinagawa ang payout sa covered court ng barangay Canubing 1 at Managpi, at kasama ang mga senior citizen mula sa mga barangay ng Malamig, Balingayan, Canubing I, Tawagan, Baruyan, Puting Tubig, Malad, Managpi, Batino, Gulod, Camansihan, Bucayao, at Panggalaan. Sa kabuuan, 1,680 senior citizens ang nakatanggap ng naturang tulong pinansyal.