“Snatches of Time” Solo Art Exhibition

Dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang isinagawang private showing ng Solo Art Exhibition na pinamagatang “Snatches of

Time”, ng Mindoreno at Calapeno na si G. Efren Espiritu Garcellano na isang Artist and Environmentalist, ginanap sa Riceland II Inn Events Place, Calapan City, nitong ika-9 ng Hulyo.

Tampok sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang uri ng likhang sining na repleksyon ng kultura at kapaligiran na nagbibigay buhay sa kasaysayan, gayundin ang pagpapahalaga sa yamang sining sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Film Viewing para sa Documentary Film na pinamagatang “Isla ng Buhay”.

Ang ilan sa kanyang mga obra ay sumasalamin sa mga karanasan na nakakubli sa kanyang isipan na mayroong kaugnayan sa pagiging paraiso ng Oriental Mindoro at bilang isang artist, nais niyang ibahagi ang kanyang mga nakikita sa paligid na malayang mabigyang interpretasyon.

Ang naturang exhibit ay bukas sa publiko simula ika-10 ng Hulyo hanggang 17 sa Riceland II Inn Events Place, Calapan City, Oriental Mindoro.