“Una sa akin ang health and welfare ng mga Calapeño,” – Mayor Malou Flores – Morillo
Sinimulan na ang pamamahagi ng mga libreng salamin, maintenance booklets, at health cards sa ilang barangay sa City Mall Calapan nitong Lunes, ika-3 ng Oktubre.
Dahil narating na ng Serbisyong TAMA Baranggay Caravan na pinangungunahan ng Administrasyong Morillo-Ignacio ang ilang mga baranggay, ibinigay na ng Socialized Medical Health Care Office, sa pamamahala ni Ms. Julieta M. Paduada (Program Manager), ang mga benepisyong pangkalusugan sa mga mamamayang nagpasa ng aplikasyon sa kanila.
Ilan sa mga baranggay na unang napagkalooban ay ang mga sumusunod: Balite, Buhuan, Canubing II, Mahal na Pangalan, Panggalaan, Patas, Sta. Cruz, Sta. Rita, Wawa, Lalud, Pachoca, Lazareto, Tawiran, Salong, San Vicente Central, Navotas, Gutad, at Maidlang.
Para sa maayos at madaling distibusyon, mga kapitan at kinatawan na lamang ng SC at PWD ang inimbitahan para sila na ang mamahagi sa kani-kanilang nasasakupan.
Sa unang tatlong buwan pa lamang na pagkakaupo ni Mayor Malou F. Morillo, 335 na ang mga Senior Citizen at PWD (mula sa 15 baranggay) ang nabigyan ng libreng eyeglasses, 89 na Senior Citizen (mula sa anim na baranggay) naman ang nakatanggap ng Maintenance Booklet, at 306 na ang naipamahaging Health Cards sa siyam na baranggay.
Nasa 7,000 naman ang target na bilang ng benepisyaryo ang nais ng Punong Alkalde kung kaya’t pinababatid niya na patuloy ang pag-ikot ng Serbisyong TAMA upang maipamahagi pa sa ibang Calapeño ang mga benepisyong nararapat sa kanila.
Ilan sa mga kabalikat ng City Government ay ang Maria Estrella General Hospital, Luna Goco Medical Center, MMG Hospital, SMV Hospital, Hospital of the Holy Cross, OMPH, St. Therese of Avila Medical & Diagnostic Clinic, Divine Grace Clinical Laboratory, LBR Clinical Laboratory and Medical Services, at Mega Life.
Sinisiguro naman ng Punong Alkalde na de kalidad ang mga salamin na maipapamahagi kung kaya’t kasama ng City Government ang Cacha-Acob Optical, Dellova Gamboa Optical, Ilagan-Rizon Optical Clinic, Goco Optical, Abel Optical, RS Family Optical Clinic, C.M. Tolentino Optical Clinic, at R.L. Santos Optical Clinic.






