𝑷𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒔𝒂𝒌𝒂 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒅𝒂!

Bilang bahagi ng 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟯, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗔𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮: 𝗦𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗶 𝗮𝘁 𝗞𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 (𝗦𝗔𝗞𝗔𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻) na pinangunahan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa Kalap Covered Court at Kalap Civic Park, ika-2 ng Marso.

Naging posible at matagumpay ang programa dahil na rin sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng 𝗖𝗔𝗦𝗗 na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮 at sa mga kaagapay ng pamahalaan pagdating sa agrikultura na Rural-based Organizations tulad ng 𝗖𝗔𝗟𝗟𝗙𝗔, 𝗥𝗜𝗖, at 𝟰𝗛.

Naglunsad ng limang patimpalak ang CASD at kabilang na dito ang 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑹𝒂𝒕 𝑻𝒂𝒊𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕 at 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒓𝒎 𝑾𝒂𝒔𝒕𝒆 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕 kung saan nagwagi ang 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗱 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na may nakolektang 359 buntot ng daga at 165.8 kilos ng farm waste.

Nagkaroon din ng 𝗦𝗰𝗮𝗿𝗲𝗰𝗿𝗼𝘄 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁 na napanalunan ng 𝗚𝘂𝗹𝗼𝗱 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗔𝗴𝗿𝗶-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘀𝘁𝘂𝗺𝗲 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁 na nagmula sa 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗜 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ang nanalo ng unang pwesto.

Isinagawa naman ang Palaro ng Lahi kung saan sinubok ang kanilang bilis at talino pagdating sa agrikultura na matagumpay na ipinamalas ng 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗧𝗲𝗮𝗺 (binubuo ng Baruyan FA, RIC, at 4H, Bulusan FA, Bucayao FA, Canubing I FA, Bayanan I at II FA, Suqui RIC, Panggalaan FA, at Palhi RIC).

Ilan sa mga tanyag na personalidad na dumalo sa pagdiriwang ng Araw ng Magsasaka ay sina 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗛𝗼𝗻. 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗿𝘂𝗰𝗮𝗹, 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗼𝘆, 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝘂𝗻 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗶𝗹𝗼, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗠. 𝗣𝗶𝗻𝗲, at mula sa 𝗗𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, ang 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 ng 𝗛𝗶𝗴𝗵-𝗩𝗮𝗹𝘂𝗲 𝗖𝗿𝗼𝗽𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na si 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗷𝗮𝘆 𝗕𝘂𝗿𝗴𝗼𝘀.

Naimbitahan naman bilang mga hurado sina 𝗦𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗵 𝗥𝗲𝗹𝗼𝘅, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗜𝗜 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗲𝗳𝘁𝘁𝘆 𝗕𝗮𝘆-𝗼𝗻𝗴𝗮𝗻, at 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗲𝗿𝗿𝘆𝗹 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀 mula sa 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆.