Upang may tukoy na tutulong at pupuntahan ang mga nangangailangan na taumbayan, at higit sa lahat ay para maramdaman ng mga mamamayan na mayroong pamahalaan na tunay na nag mamalasakit at sa kanila ay naka-agapay.
Ito ang dahilan kung bakit nabuo at naitayo ang Serbisyong TAMA Calapan City Help Desk sa 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹, sa pangunguna ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pamamagitan ng 𝗟𝗶𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, katuwang ang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿.
Ika-4 ng Oktubre isinagawa ang launching at ribbon cutting ng Serbisyong TAMA Calapan City HELPDESK na dinaluhan rin ng mga kinatawan at ilang kawani mula sa pamunuan ng OMPH sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗗𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼 – 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝘃𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳.
Ayon pa kay Mayor Malou, hindi maikakaila na malaking alwan sa taumbayan na mayroong mga ganitong informational support mula sa pamahalaan.
Matatagpuan ang Calapan City Help Desk sa kaliwang bahagi ng OMPH, kung saan naroroon din ang Malasakit Center. Maari ring tumawag o mag-message sa mga numerong: 0945-852-0320 o 0919-818-6191.
Sa huli, iniwan ng Alkalde ang mga salitang, “𝑷𝒂𝒈𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈-𝒕𝒖𝒍𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒉𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒎𝒂 𝒂𝒕 𝒔𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒆𝒏̃𝒐.”