SERBISYONG TAMA SAKAlapan

Upang matiyak na makabili ng sapat na pataba ang mga magsasaka, patuloy ang pagsasagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo ng Fertilizer Discount Voucher.

Patuloy ang pagsasagawa ng pamamahagi nito, mula noong naglabas ng memorandum ang Department of Agriculture (DA) para sa panuntunan hinggil sa implementasyon ng fertilizer discount voucher project sa ilalim ng National Rice Program.

Saklaw ng fertilizer discount voucher ang mga rehiyon gaya natin na nagtatanim ng inbred at hybrid rice seeds.

Ayon kay Mayor Malou, layunin ng fertilizer voucher na mapagaan ang gastusin ng ating mga magsasaka pagdating sa palay production at upang matiyak rin ang food security.

Sa kabuuan, ika-20 ng Hunyo, nasa 1,658 na magsasaka ang napaabutan ng naturang discount voucher, na nagkakahalaga ng nasa mahigit kumulang P8,126,000.00. Ito ay isinagawa sa Barangay Canubing 2, Balingayan, Baruyan at Brgy.Malad at mga karatig na barangay nito.

Ang gawaing ito na pagsusulong sa agrikultura ay naging posible dahil na din sa CASD kasama si Engr. Jasper Adriatico (CASD Focal Person), masisipag na agricultural technicians at DA MIMAROPA.