Sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at sa tulong ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗮 𝗜𝗜, matagumpay na naihatid ang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗠𝗶𝗻𝗶 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻 sa mga mamamayan ng Barangay Nag-iba II sa tulong ng Pamahalang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼 ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 kasama ang 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝗹𝗶𝗲𝘁𝗮 𝗠. 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮𝗱𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamamahalaan ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 𝗔𝗹𝗯𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamununuan ni 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗦. 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝘁𝘁𝗼𝗿𝗻𝗲𝘆’𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, isinagawa sa Barangay Nag-iba II Covered Court nitong Martes, ika-28 ng Pebrero 2023.
Kaugnay sa naging kahilingan ng Barangay sa ilalim ng pamumuno ni 𝗞𝗴𝗴. 𝗪𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗖. 𝗪𝗼𝗻𝗴, malugod na ibinababa ng Pamahalang Lungsod ang serbisyong pampubliko na naisakatuparan sa tulong ng Pamahalang Lungsod, kaagapay sina Mr. Peter Joseph Dytioco ng Serbisyong Tama Center, at Ms. Juliet M. Paduada na kasalukuyang Program Manager na namamahala sa Socialized Medical Health Card.
Ayon kay Mr. Dytioco, mayroong pending resolution ang Punong Barangay na isinampa sa Mayor’s Office tungkol sa renewal at new membership ng health card na siyang tinugunan at binigyang pansin ng Pamahalang Lungsod sa kagustuhang direktang maibaba ang serbisyo sa taumbayan.
Kaugnay nito, hindi bababa sa 𝟱𝟬 katao ang inaasahan nila na makadadalo sa inilatag na aktibidad.
Batid ni Mayor Morillo na makatutulong ang programang ito para mas mapadali, at mas maalwanan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang serbisyo na siyang lubos na ipinagpapasalamat ng mga mamamayan ng barangay.










