Sa pagpapatuloy ng serbisyo publiko, sinadya ng Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan ang mga senior citizens ng Barangay Lalud, sa pangunguna ni City Mayor Marilou F. Morillo, nitong ika-28 ng Nobyembre.
Dahil isa ang Lalud sa may malaking populasyon na barangay sa Calapan, inuna ang mga senior citizens upang maging mas maayos at mas madali ang pagproseso ng kanilang mga pangangailangan.
“Huwag po kayo mag-alala, mga biyaya ay dadating sa inyo.”
Iyan ang mensahe ni Mayor Malou sa mga senior citizens nang ibinahagi niya ang mga pinaplano ng Pamahalaang Lungsod sa pagsasaayos ng Barangay Lalud at mga programa para sa mga senior citizens.
Naroon ang City Social Welfare and Development Department upang kapanayamin ang mga senior citizens tungkol sa Financial Assistance/Incentive na ibinibigay para sa mga nakatungtong sa edad na 70-100.
Nagbigay-serbisyo din ang City Socialized Medical Health Care Office para sa pagpoproseso ng City Health Card at libreng tuli para sa 17 mga bata at minor incisions naman ang handog ng City Health and Sanitation Department.
Hatid naman ni Vice Mayor Bim Ignacio ang Meals on Wheels para sa lahat ng naroroon habang sila’y naghihintay.
Pinababatid din na ito ang huling Barangay Caravan para sa taong 2022 at ay muli itong aarangkada dala ang mga serbisyong tama para sa taumbayan sa susunod na taon (Thea Marie Villadolid/CIO).





