Hindi makakalimutan ng Punong Alkalde ang kaniyang ipinangako kaya naman nitong ika-6 ng Oktubre, naiparating na ang Serbisyong TAMA para sa mga taga-Silonay, Parang, at Maidlang I.

Buong-pwersa ang Administrasyong Morillo, Serbisyong TAMA Center at iba’t ibang departamento/opisina sa pagbibigay ng Serbisyong TAMA na nararapat sa taumbayan.

Kaya naman hindi pahuhuli sa pagseserbisyo ang City Agricultural Services Department, Persons with Disability Office, Office of the Senior Citizens’ Affairs, City Health and Sanitation Department, City Socialized Medical Health Care Office, City Social Welfare and Development Department, City Civil Registry Department, City Assessors Office, City Legal Department, City Veterinary Services, City PESO, Business Permit and Licensing Office, City Treasury Department, at Fisheries Management Office.

Naroon din ang Regional Police Community Affairs & Development Unit, Philippine Coast Guard, at PSA.

Hindi din nawawala si Konsehala Atty. Ricka Goco upang magbigay ng libreng konsultasyon, legal advice, at public notary.

Sinisiguro naman ni Mayor petMalou na lahat ng mga naipangako niya ay maisasakatuparan nang sa gayon lahat ng Calapeño ay mabigyan ng serbisyong sapat at tama.