𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻, ipinagkaloob ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂-𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng City Government of Calapan, para sa mga mamamayan ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶 at 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴, katuwang ang ilan sa mga National Government Agency, ginanap nitong ika-22 ng Agosto.
Sa ilalim ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, tuloy-tuloy na nahahatiran ng serbisyo ang mga Calapeño na nakapagbibigay ng kaalwanan sa kanila, na naisakatuparan sa pamamagitan ng butihing Ina ng Lungsod at ng Lokal na Pamahalaan, katuwang si 𝗦𝗧𝗣 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼 at ang mga kasapi ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿.
Samantala, kasama ni Mayor Morillo sa aktibidad na ito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 at ang mga Department Head at Program Manager ng Pamahalaang Lungsod, kung saan narito rin ang mga opisyal ng Brgy. Suqui sa pamumuno ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗔. 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 at ang mga opisyal ng Brgy. Parang sa pamumuno ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗖. 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮.
Kasabay nito, binigyang daan din ang pagsasagawa ng “𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏” sa pangunguna ng Punong Lungsod at ni City Administrator Atty. Ussam, kasama ang mga Hepe ng bawat departamento, at dito ay binigyan ng pagkakataon ang sectoral representatives at ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Suqui at Parang na maging bahagi ng sama-samang pagpupulong, upang mapag-usapan ang mga mahahalagang bagay na dapat bigyan ng pansin.