SERBISYONG TAMA PARA SA BARANGAY STO. NINO, HANDOG NI MAYOR MORILLO

Para makapaghatid ng iba’t ibang serbisyo para sa ikaaalwan ng mga mamamayang Calapeno, lumapag sa Barangay Sto. Nino, nitong ika-22 ng Hulyo

ang programang Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama si City Administrator, Penelope D. Belmonte, katuwang ang iba’t ibang departamento at opisina ng City Government of Calapan, sa pamumuno ng mga department/office head, at program managers, gayundin ng national government agencies, kasama ang mga opisyales ng barangay.