SERBISYONG TAMA PARA SA BARANGAY ILAYA AT LIBIS

Mas pinabilis, abot-kamay at direkta sa taumbayan na mga programa at serbisyo, sa inisyatiba ni City Mayor Malou Flores-Morillo kasama ang mga konsernadong departamento ng City Government of Calapan at iba pang ahensyang pang-nasyunal.

Sa pagpapatuloy ng adbokasiyang ito ng kasalukuyang administrasyon ay naipadama sa mga residente ng Barangay Ilaya at Barangay Libis ang tunay na serbisyong tapat at may malasakit sa ilalim ng ‘Serbisyong TAMA para sa Barangay’ Program, Abril 29, 2024, Ilaya Covered Court.

Daan-daang residente ang naging benipisyaryo ng mga pangunahing serbisyo na dapat sana ay sasadyain pa nila sa City Hall at maging sa iba’t ibang ahensya.

Kabilang na dito ang mga sumusunod:

CITY HEALTH AND SANITATION DEPARTMENT

Dental

Blood Typing

Family Planning

Medical Consultation

CITY SOCIALIZED MEDICAL HEALTH CARE OFFICE

Health Card Membership

Guarantee letter for Senior Citizens & Neuro Patients (maintenance medicine & eye glasses)

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT DEPARTMENT

Interview of Senior Citizens for cash incentives

Counseling

OFFICE OF THE SENIOR CITIZENS AFFAIRS

Application for Senior Citizen’s ID and PhilHealth

Distribution of purchase booklet

PERSONS WITH DISABILITY OFFICE

Issuance of PWD ID, Purchase Booklet and Certificate of Disability

Renewal of PWD ID and Updating of records

CITY CIVIL REGISTRY DEPARTMENT

Delayed registration of birth

Correction of gender and date of birth

Correction of clerical errors and change of first name

CITY VETERINARY DEPARTMENT

Vaccination of animals

CITY LEGAL DEPARTMENT

Affidavit of late registration and out of town registration

Affidavit to use the surname of the father

Affidavit of acknowledgement

Legal advice and consultation

Public Notary

CITY ASSESSOR’S DEPARTMENT

Attending queries regarding taxation and declaration of properties

Scheduling of inspection of real properties for decoration of new properties, reclassification, reassessment due to renovation, cancellation or demolition

BUSINESS PERMIT LICENSING SECTION

Issuance of Business Permits, Tricycle Franchise, Butcher and Gaffer

CITY TREASURY DEPARTMENT

Verification of Real Property Tax

Tax payment

Issuance of Community Tax Certificate

CITY AGRICULTURAL SERVICES DEPARTMENT

Kadiwa

CITY PUBLIC EMPLOYMENT SERVICES OFFICE

Special recruitment activity

CITY TRADE AND INDUSTRY DEPARTMENT

Business name registration and consultancy

Product cliniquing

Photography scheduling (for promotion and marketing)

Samantala, kabilang sa mga ahensyang kaisa sa programa ay ang PSA-PhilSyss, SSS, PagIBIG, Philhealth, BFP at PNP.

Sa bawat pag-ikot ng Serbisyong TAMA para sa Barangay Program ay dumadalo rin dito ang Ina ng Lungsod upang samantalahin ang pagkakataon na makadaupang palad ang kanyang mga minamahal na kababayan upang dito ay personal niyang madinig ang kanilang saloobin at pangangailangan.

Laging binibigyang-diin ng Punonglungsod na ang ganitong uri ng programa na ipinatutupad ng kanyang administrasyon ay bahagi ng katuparan ng kanyang mga pangarap na paalwanin at paunlarin ang buhay at kabuhayan ng taumbayan.