Muling nagbabalik ang Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 — ang programang pinakainaabangan ng taumbayan ng Calapan. Sa pag-arangkada nito, unang sinadya ng Pamahalaang Lungsod ang mga mamamayan sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜 nitong ika-7 ng Nobyembre.
Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, nakapagbigay ng serbisyo ang mga opisina at departamento tulad ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀’ 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝘁𝘁𝗼𝗿𝗻𝗲𝘆’𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿’𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, at 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻.
Nakiisa din sa caravan ang 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗺𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲, 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔, 𝗦𝗦𝗦, 𝗣𝗦𝗔 𝗮𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗦𝘆𝘀, at 𝗣𝗮𝗴-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗙𝘂𝗻𝗱.
Kaalinsabay ng Serbisyong TAMA Barangay Caravan, isinagawa ang 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 na pinangunahan naman ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 kasama ang mga Department Heads at Program Managers. Dito ay tinipon ang mga opisyal at sectoral representatives ng barangay, sa pangunguna naman ng Incumbent Brgy. Chairman Joselito Olaño at ng Incoming Brgy. Chairman na si Hon. Emmanuel Quinto Matibag, upang mabigyan ng kasagutan ang mga suliraning kinakaharap ng pamayanan.