Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Serbisyong TAMA Center, muling umarangkada ang Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan sa Brgy. Canubing II nitong ika-20 ng Pebrero.
Hindi na kailangang bumyahe ng malayo ang mga taga-Canubing II dahil nasa barangay nila ang iba’t ibang departamento para magbigay ng basic services tulad ng health care and free medicine, legal at social services pagpaparehistro, pagbabayad ng buwis, at mga serbisyo para sa Senior Citizens, at PWD.
Nakilahok sa caravan ang ilang mga national agencies tulad ng PhilSys, Pag-IBIG Fund, SSS, DTI Negosyo Center, Philippine National Police, at DOJ – Parole and Probation Administration MIMAROPA.
Maliban dito, ipinagkaloob din sa Barangay Canubing II ang 10 toilet bowls na hiniling nila para sa pagkakaroon ng maayos na palikuran sa kanilang baranggay.
Personal namang nakihalubilo sa taumbayan si Mayor Morillo, Chief of Staff, Joseph Umali, at Acting City Administrator, Atty. Rey Acedillo. Nagpakita naman ng suporta sa Punong-lungsod ang Regional Director ng DOJ-PPA MIMAROPA na si Ms. Janette S. Padua.
Kasabay ng pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan, nagkaroon ng Sectoral Consultation na isang daan upang madinig ang mga pangangailangan, hinaing, at katanungan ng iba’t ibang sektor sa barangay.