“Ito na ang sinasabi ko na ibaba ko ang serbisyo, ang gobyerno sa mamamayan sa barangay.” – City Mayor Malou Flores – Morillo

Sa pagpapatuloy ng programang Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan, Brgy. Camansihan naman ang pinuntahan ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni City Mayor Malou Flores – Morillo, upang mailapit ang mga serbisyo para sa taumbayan, ika-7 ng Nobyembre.

Gayundin ay isinagawa ang Flag Raising Ceremony kasama ang mga mamamayan sa pangunguna naman ng Sangguniang Barangay ng Camansihan.

Kasama naman sa Barangay Caravan ang City Agricultural Services Department, KADIWA on Wheels, PWD Office, Office of the Senior Citizens’ Affairs, City Health and Sanitation Department, City Veterinary Services Department, City Socialized Medical Health Care Office, City Social Welfare and Development Department, Civil Registry Department, City Assessor’s Department, City Legal Department, Business Permit and Licensing Office, City Treasury Department, at City PESO.

Nakiisa din sa pagbibigay ng serbisyo ang PNP, Philippine Army, PSA at PhilSys.

Alinsabay sa pagbibigay serbisyo ay binuksan din ang Sectoral Consultation na pinangunahan ng Punong Alkalde, kasama ang mga hepe ng bawat departamento, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang Sangguniang Barangay at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na mapag-usapan ang kanilang mga pangangailangan, at mga suliranin sa komunidad.