Katulad ng sinabi noon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, nais niyang ibaba ang Gobyerno sa mga barangay rito sa Calapan, para sa kapakanan ng mga mamamayan, kaya naman sa pagpapatuloy ng programang “𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑪𝒂𝒓𝒂𝒗𝒂𝒏”, sa pangunguna ng Butihing Ina ng Lungsod, nagtungo ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa Barangay Bulusan, upang muling maghatid ng serbisyo para sa taumbayan ngayong araw, ika-12 ng Abril.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa Bulusan Park, Calapan City na sinimulan sa pamamagitan ng isang Flag Raising Ceremony, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, ang Sangguniang Barangay, at mga mamamayan.
Kasama sa Barangay Caravan ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗘𝗦𝗢, 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, at 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀.
Narito rin at nakiisa sa pagbibigay serbisyo ang 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 (𝗦𝗦𝗦), 𝗗𝗧𝗜, 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗣𝗮𝗴-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗙𝘂𝗻𝗱, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗜𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 (𝗣𝗵𝗶𝗹𝗦𝘆𝘀), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗣𝗦𝗔), 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, at 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝗺𝘆.
Kasabay ng pagbibigay ng serbisyo ay nagkaroon din ng “𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏” na isinagawa sa pangunguna ng Punong Lungsod, kasama ang mga Hepe ng bawat departamento, kung saan ay nabigyan ng pagkakataon ang Sangguniang Barangay, at ang mga kinatawan ng bawat sektor na mapag-usapan ang kanilang mga pangangailangan, at mga suliraning dapat bigyang pansin para sa pangkabutihang panlahat.





























