Sa pagpapatuloy ng Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan, Brgy. Baruyan naman ang pinuntahan ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni City Mayor Malou Flores – Morillo, upang mailapit ang mga serbisyo para sa taumbayan ng Baruyan at Canubing I, ika-21 ng Nobyembre.
Ilan nga sa nagbaba ng serbisyo ang Fisheries Management Office, City Agricultural Services Department, PWD Office, Office of the Senior Citizens’ Affairs, City Health and Sanitation Department, City Veterinary Services Department, City Socialized Medical Health Care Office, City Social Welfare and Development Department, Civil Registry Department, City Assessor’s Department, City Legal Department, Business Permit and Licensing Office, City Treasury Department, at City PESO.
Nakiisa din sa pagbibigay ng serbisyo ang PNP, Philippine Army, Philippine Coastguard, Board of Pardons and Parole, at si City Prosecutor Josephine Oya.
Doon ay isinagawa din ng Punong Alkalde at ng ilang mga hepe at kawani ng Pamahalaang Lungsod ang Flag Raising Ceremony kasama ang mga mamamayan sa pangunguna naman ng mga opisyales ng Brgy. Baruyan.
Kasabay naman ng pagbibigay serbisyo ay binuksan din ang Sectoral Consultation na pinangunahan ng Punong Alkalde.
Ito ang pagkakataon ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kgg. Henry Dris, Barangay Chairman ng Baruyan, at Kgg. Joselito Olano na siya namang kapitan ng Brgy. Canubing I. at ang mga kinatawan ng mga sektor na mapailapit ang kanilang mga concern, pangangailangan, at mga suliranin sa komunidad (Thea Marie J. Villadolid/CIO).





