“Sa ngalan ng prinsipyo ng Taumbayan ang Masusunod, asahan po ninyo na magiging hitik sa benepisyo ang mga Calapeño sa ilalim ng Administrasyong Morillo-Ignacio,” -Mr. Robin Clement Villas, Program Administrator (Serbisyong TAMA Program).

Noong nakaraang linggo, araw ng lunes (ika-10 ng Oktubre), ay nanguna si City Mayor Malou F. Morillo sa flag ceremony at konsultasyon na ginaganap sa Brgy. Balingayan kasama ang mga Sanguniang Barangay at taumbayan ng Balingayan, Malamig, Personas, at Comunal.

Ngayong araw, ika-20 ng Oktubre, ay dumating na nga ang Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan sa pangunguna ng Serbisyong TAMA Center na hatid ang mga serbisyong nararapat at tama para sa taumbayan ng apat na barangay.

Kasama sa Barangay Caravan ang City Agricultural Services Department, KADIWA on Wheels, PWD Office, Office of the Senior Citizens’ Affairs, City Health and Sanitation Department, City Veterinary Services Department, City Socialized Medical Health Care Office, City Social Welfare ad Developmemt Department, City Civil Registry Department, City Assessor’s Department, City Legal Department, City Treasury Department, at City PESO na kasama ang Generation One Resource Service.

Inanunsyo din ng Serbisyong TAMA Program Administrator na si Mr. Robin Villas na sisimulan na bukas, Oktubre 21, ang pamamahagi ng gatas para sa mga Senior Citizens ng Calapan.

Bagamat wala ang Punong Alkalde, tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga libreng serbisyo mula sa City Government para sa mga Calapeño dahil nga aniya, Taumbayan ang Masusunod!