Prayoridad ng Administrasyong Morillo-Ignacio ang kalusugan at kapakanan ng taumbayan kung kaya’t tuloy-tuloy ang programang Tulong Alalay para sa Masiglang Adhikain para kay Lolo at Lola na sinimulan noong Biyernes, ika-21 ng Oktubre.

Inihahatid mismo ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamahala ng City Social Welfare Development Department at Serbisyong TAMA Center, ang mga libreng gatas sa mga Senior Citizens ng lungsod.