“𝑮𝒐𝒐𝒅𝒍𝒖𝒄𝒌, 𝑮𝒐 𝒇𝒐𝒓 𝑮𝒐𝒍𝒅”, ‘yan ang naging pambungad na mensahe ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga kabataang atleta na ipapadala sa Romblon, Romblon upang makipagtagisan ng galing, talino at lakas sa gaganaping 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘁𝗵𝗹𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗠𝗲𝗲𝘁 (𝗠𝗥𝗔𝗔) sa darating na Mayo 23-26, 2023.
Sa isinagawang Send-Off Ceremony na pinangasiwaan ng 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 sa pangunguna nina 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 at 𝗖𝗜𝗗 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝘀. 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗶𝗱, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, Mayo 19, 2023 ay naging kaisa dito si City Mayor Morillo na kung saan ay kanyang pinag-alab ang damdamin at itinaas ang moral ng buong delegasyon ng Calapan City.
Tatlong mahalagang bagay ang kanyang itinagubilin upang makamit ang tagumpay sa bawat kompetisyon; ito ay ang Dasal, Tiwala at Disiplina. Bahagi ng nasabing programa ang pagbibigay ng oryentasyon para sa mga atleta, coaches, officials at mga magulang na sasama sa MRAA na ginampanan ni 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗶𝗴𝗮𝗼, 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿 at ni 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗹𝘆𝗻 𝗖. 𝗖𝗮𝗹𝗱𝗲𝗿𝗼𝗻, 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘁𝘁𝗼𝗿𝗻𝗲𝘆 para sa 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝘆.
Sinundan ito ng pamamahagi ng bags na naglalaman ng kumpletong uniporme, mga utensils at personal hygiene kits para sa buong delegasyon. Natanggap na rin ng mga athletes at coaches ang kanilang 𝗣𝟮,𝟳𝟬𝟬 pocket money mula pa rin sa City Government of Calapan.
Sa kabuuan ay may 225 katao ang bumubuo sa delegasyon ng Calapan City na kung saan 167 dito ay athletes/coaches at 58 ay officials. Sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿𝘀 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗔𝗴𝘂𝗮 at 𝗛𝗼𝗻. 𝗦𝗞 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼 gayundin si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮 ay dumalo din sa Send-Off Ceremony upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga pambato ng lungsod sa MIMAROPA RAA 2023.































