“Ipakita natin sa taumbayan na ang ating mga opisina at tayo, bilang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ay seryoso sa pagsusulong ng Green City of Calapan.” – City Mayor Marilou Flores – Morillo.
Maagang nagtipon ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Department sa kick off activity na TaMA – Tumakbo, Magsayaw, at Awitan para sa paglulunsad ng Search for the Most Eco-Friendly Office sa Calapan City Government nitong Martes, ika-6 ng Disyembre.
“Ang pagliligtas ng Mother Earth ang siyang pinakamahalagang dapat nating ginagawa.” – Mr. Wilfredo Landicho, City ENRO.
Dala ang pagnanais na tuluyang makamit ang pagiging Luntiang Lungsod ng Calapan, inilunsad ng CENRD ang paligsahan na siyang bahagi din sa adbokasiyang isinusulong ng kanilang departamento, ang pangangalaga sa kalikasan.
Layunin ng paligsahan na siguruhing naisasagawa ng bawat opisina/departamento ang mga eco-friendly practices bilang bahagi ng flagship program na Green City Program ng Administrasyong Morillo-Ignacio.
Kada buwan mula Disyembre hanggang Abril 2023 ay kikilatisin ng CENRD ang bawat opisina sa City Hall kung naisasaalang-alang ang mga sumusunod na kabilang sa criteria:
50% – Ecological solid waste management (segregation-at-source)
30% – Sustainable clean and green initiatives (land, air, water management and conservation efforts)
20% – Raising knowledge and public awareness on environment protection.
Ipinagkaloob din ng CENRD sa mga departamento ang trash bins na gagamitin para sa wastong pagtatapon ng basura.
Naghihintay naman sa Marso 2023, sa pagdiriwang ng 25th Founding Anniversary ng Calapan, ang Plaque of Recognition at cash incentives para sa kikilalaning Green Department (Thea Marie J. Villadolid/CIO).




