Sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, dinaluhan ng mga Hepe at ng mga kinatawan ng 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱, 𝗣𝗡𝗣, at ng iba’t ibang Departamento ng Pamahalaang Lungsod ang isinagawang “𝑺𝒆𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 (𝑺𝑮𝑳𝑮) 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 2023″ sa Executive Building Main Conference Room, New City Hall, Calapan City, ngayong araw ng Martes, ika-16 ng Mayo.
Tinalakay sa gawaing ito ang tungkol sa 2023 SGLG Criteria, gayundin ang tungkol sa sampung (10) Governance Areas na kinakailangang bigyang pansin, kabilang dito ang mga sumusunod: 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆, 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗣𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗲𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀, 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆, 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀, 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗙𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲𝗻𝗲𝘀, 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆, 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲, 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿, 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺, 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗿𝘁𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁.
Nagsilbing tagapagpadaloy sa pagpupulong na ito ang mga kasapi ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗜𝗟𝗚) na sina 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙. 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶, 𝗖𝗘𝗦𝗘, at 𝗟𝗚𝗢𝗢 𝗜𝗜𝗜 𝗠𝗿. 𝗪𝗵𝗮𝗹𝗲𝗲 𝗙. 𝗙𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿𝗮 na silang naging tagapagsalita rin dito.
Layunin ng gawaing ito na maunawaan ang Seal, maging pamilyar sa pamantayan, masanay sa proseso ng implementasyon at mga kagamitan, at makabuo ng mga estratehiya at plano.








