“๐ต๐‘ข๐‘–๐‘™๐‘‘ ๐‘š๐‘ข๐‘ก๐‘ข๐‘Ž๐‘™ ๐‘ข๐‘›๐‘‘๐‘’๐‘Ÿ๐‘ ๐‘ก๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘–๐‘›๐‘”, ๐‘Ž๐‘‘๐‘ฃ๐‘Ž๐‘›๐‘๐‘’ ๐‘˜๐‘›๐‘œ๐‘ค๐‘™๐‘’๐‘‘๐‘”๐‘’ ๐‘Ž๐‘๐‘Ÿ๐‘œ๐‘ ๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘š๐‘š๐‘ข๐‘›๐‘–๐‘ก๐‘–๐‘’๐‘ , ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘–๐‘š๐‘๐‘Ÿ๐‘œ๐‘ฃ๐‘’ ๐‘™๐‘–๐‘ฃ๐‘’๐‘  ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘œ๐‘ข๐‘›๐‘‘ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ค๐‘œ๐‘Ÿ๐‘™๐‘‘.”

๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ?

Ito ay itinatag noong 1946 ni Senator J. William Fulbright. Ito ay pangunahing programa ng Estados Unidos na nagbibigay ng ibaโ€™t ibang oportunidad para sa mga mag-aaral at mga batang propesyonal na kumuha at sumailalim sa international graduate study, advance research, at university teaching worldwide. Ang Fulbright Program ay aktibo at patuloy pa rin na nagbibigay ng tulong sa mahigit 160 na bansa sa buong mundo na may 50 bi-national commissions.

๐—”๐—ก๐—ข ๐—ก๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ?

Ang Philippine-American Educational Foundation (PAEF) ay itinatag noong 1948 sa pamamagitan ng bi-national agreement sa pagitan ng Estados Unidos at ng pamahalaan ng Pilipinas. Ito ang pinakamatandang bi-national commission sa buong mundo na hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa ring aktibo. Sa loob ng mahigit na 7 dekada, pinondohan ng PAEF ang mahigit 3,000 na Pilipino, at 1,000 iskolar na mula sa Estados Unidos.

๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—œ๐—š๐—ก ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  (๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข)

Ipinababatid ng Fulbright Philippines na ang aplikasyon para sa 2024-2025 Fulbright Foreign Students Program (para sa mga Pilipino) ay bukas na. Ang Fulbright Foreign Student Program ay isang magandang oportunidad para sa mga Pilipino na makapag-aral at makapagtapos sa antas ng (master’s or doctoral studies) o hindi naman kaya ay magpatuloy ng non-degree doctoral dissertation research sa Estados Unidos.

Para sa aplikasyon at iba pang mga mahahalagang impormasyon, bisitahin lamang ang kanilang website sa pamamagitan ng link na ito: http://smpl.is/qdhm. Ang online application portal ay mananatiling bukas at tatanggap ng mga aplikasyon hanggang Abril 30, 2023.