SARILAYA Meeting

Sa pagtutulungan ng City Government of Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo,

kasama si City Councilor, Atty. Jel Magsuci, at SARILAYA (Kasarian at Kalayaan, Inc.) sa pangunguna ni SARILAYA Secretary General, Ms. Myrna Jimenez, isang pagpupulong ang matagumpay na naisakatuparan nitong ika-3 ng Hulyo, kaugnay sa binuong Technical Working Group, para sa implementasyon ng proyektong “SARI-LINGAP” ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at ito ay mayroong 4 Components: SARI-BINHI (Agriculture), SARI-GINHAWA (Wellness), SARI-UNLAD (Livelihood), at SARI-BUKLOD (Organizational Empowerment in Civil Society Organizations).

Kabilang din sa binuong TWG ng nasabing proyekto sina City Health Officer, Dr. Basilisa M. Llanto, City Nutrition Action Officer, Ms. Glenda M. Raquepo, RN, CAO Head, Ms. Charrisa Flores Sy, Special Assistant on Community Development, Ms. MA. Ellaine Kris R. Diomampo, Supervising Tourism Operations Officer, Mr. Christian E. Gaud, CEED Officer, EnP. Nepo Jerome G. Benter, CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico, CTID Officer, EnP. Amormio Carmelo Joselito S. Benter, CESE, City Environment and Natural Resources Officer, Mr. Wilfredo G. Landicho at President, People’s Council of Calapan City, Ms. Doris G. Melgar.