Muling binuhay ng mga Senior Citizens na kasapi ng ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—œ๐—ป๐—ฐ. ang diwa ng tradisyong Santacruzan nang kanilang gampanan ang pagsasabuhay nito, araw ng Sabado, Mayo 20.

Sinimulan sa prusisyon na nagmula sa Sto. Niรฑo Cathedral patungo sa Provincial Capitol ay ipinarada ang imahe ni Birhen Maria na sinusundan ng ๐‘บ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’” habang suot ang kanilang makaluma subalit magarbong kasuotan na kumakatawan sa mga personaheng pang-Santacruzan.

Kabilang sa mga Sagala dito ay ang mga sumusunod: Matusalem, Reina Bonderada, Reina Mora, Reina Fe, Reina Esperanza, Reina Caridad, Reina Abogada, Reina Sentenciada, Reina Justicia, Reina Judith, Reina Sheba, Reina Esther, Samaritana, Veronica, Tres Marias, Marian, Divina Pastor, Reina delos Estrellas, Reina Rosa Mystica, Reina Dela Paz, Reina delas Profetas, Reina delas Virgenes, Reina del Cielo, Reina Flores, Reina Emperatriz, Reina Elena, at Constantino Hermana Mayor.

Sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex ay isinagawa naman ang kabuuan ng programa ng Santacruzan. Dito ay nagkaroon ng ๐‘ญ๐’๐’๐’˜๐’†๐’“ ๐‘ถ๐’‡๐’‡๐’†๐’“๐’Š๐’๐’ˆ para sa Poong Maria na ginampanan ng mga Senior Citizens Association Presidents na sinundan ng ๐‘ท๐’“๐’†๐’”๐’†๐’๐’•๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐‘บ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’” at pagsasayaw ng ๐‘ด๐’Š๐’“๐’‚๐’”๐’๐’.

Ipinamalas naman ng ๐—จ๐—ฆ๐—–๐—”๐—–๐—ข๐—  ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ang kanilang talento sa pagsasayaw sa isang production number gayundin ng iba pang grupo ng Senior Citizens mula sa Bayanan I at Camilmil para sa kanilang intermission numbers.

Dahil malapit sa kanyang puso ang mga kapwa niya Senior Citizens ay dumalo dito si ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ upang ipakita ang kanyang buong pagsuporta sa mga adhikain ng mga Pangunahing Mamamayan sa Lungsod ng Calapan.

Sa kanyang mensahe ay pinuri ng Punonglungsod ang kasigasigan ng mga Senior Citizens sa pagsasagawa ng mga proyektong higit pang magpapaunlad sa kanilang samahan. Dahil dito aniya’y naipapakita na hindi hadlang ang edad upang maging masaya sa buhay at manatiling kapakipakinabang sa ating lipunan. Nangako si Mayor Malou na palaging siyang nasa likod ng mga Senior Citizens upang suportahan sila sa lahat ng kanilang naisin para sa kagalingan ng lahat ng Senior Citizens sa Calapan dahil bilang Ina ng Lungsod ay patas ang kanyang pagtrato sa lahat ng Calapeรฑo.

Ang Santacruzan ay itinuturing na isa sa pinakakilalang ๐’“๐’†๐’๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’๐’–๐’” ๐’‡๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’—๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’” sa Kultura ng mga Pilipino at pinakatanyag na tradisyon noon hanggang ngayon. Ang prusisyon ay sagrado at napupuno ng mga lumalakad na mga tao habang nagdarasal.

Ang nasabing tradisyon ay isa sa mga nagbibigay kulay tuwing sasapit ang Buwan ng Mayo. Ang esensya ng Tradisyon ng Santacruzan ay bilang debosyon kay Maria na tinawag rin ‘๐‘ญ๐’๐’๐’“๐’†๐’” ๐’…๐’† ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚’ na ang ibig sabihin ay pag-aalay ng bulaklak kay Maria bilang bahagi ng pagninilay at pagbibigay-pugay sa kanya.