โ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ (๐๐๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐โ.
Bilang kauna-unahang Ina ng Lungsod ng Calapan, mithiin ni Mayor Marilou Flores-Morillo na maging bahagi at instrumento sa pag-angat ng estado ng buhay ng bawat isang mamamayan, saang sektor man siya ng lipunan nabibilang.
Ngayong araw, ika-8 ng Oktubre ang siyang ika-isandaang araw ni Tita petMalou sa pagiging Ina ng minamahal nating lungsod ng Calapan. Hindi gaya ng karaniwang politiko, walang magarbong entablado para ilahad ang kanyang mga nasimulan na. Mas pinili niyang hindi gawing batayan ang 100 araw para sukatin kung ano na ang kanyang narating, bagkus ay mas binigyang pansin ang ipagpatuloy kung ano ang kanyang nasimulan na at itoโy pagbutihin pa.
Ibayo at TAMAng serbisyo-publiko para sa taumbayan ang minsang ipinangako ng Administrasyong Morillo-Ignacio, at ito nga ang unti-unti nilang sinisimulan at binibigyang katuparan sa nakalipas na isandaang araw.
Para sa Ina ng Lungsod, walang oras o panahon para makapagbigay at makapaghatid ng TAMAng serbisyo publiko. Walang araw ang kanyang sinayang – kaliwaโt kanang proyekto at programa na nakatutok sa kagustuhang mapaangat ang pamumuhay ng bawat Calapeno – agad pinasimulan!
Mula sa libreng school supplies sa mga mag-aaral na nasa elementarya, mga pakikipag-dayalogo sa ibaโt-ibang sektor at grupo ng lipunan, paglulunsad ng Barangay Caravan na target na mas mapalapit sa taumbayan ang lahat ng kinakailngan nilang serbisyo at abot-kamay na maramdaman ng mga mamamayan ang kalingang petMalou, ang pagbabalik ng sigla, saya at liwanag sa lungsod, pagsisiguro ng food security, maigting na mandato para sa kaayusan at kaligtasan (peace and order) sa lungsod, kalusugan ng mga mamamayan, pagpapa-unlad ng kakayahan ng mga kawani ng pamahalaan, sapat – ligal at lehitimong trabaho para sa mga Calapeno, kahandaan sa mga sakuna at kalamidad, skills and youth development, turismo, samuโt-saring livelihood assistance, at layong maging isang Luntiang Lungsod ang Calapan, kasabay ang walang pagod na pakikipag-usap sa malalaking mga kumpanya at investors na kakambal ay ang pagbubukas ng oportunidad para sa mga namumuhunan, at personal na pakikipag-ugnayan at pagbisita sa mga lugar na nagpapamalas ng galing sa pamamahala ng kani-kanilang nasasakupan, upang sa gayon ay ma-adapt ng pamahalaang lungsod ng Calapan ang mga best practices ng mga ito, na magreresulta naman sa mas epektibo at mahusay na Administrasyong Morillo.
Iyan ang tinatahak ng lideratong petMalou – Hatid ang malawak na serbisyo para sa kaalwanan ng pamumuhay ng bawat Calapeรฑo.
Maraming dapat gampanan na tungkulin. Maraming dapat isagawa at tuparin para sa kagalingan at katiwasayan ng bawat buhay ng taumbayan.
“๐ด๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐ด๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ป๐จ๐ด๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐”.
— ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ
โ๐จ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐โ.
๐๐๐๐ก๐๐๐ก ang presentasyon ng mga nagawa ng petMALOUng Punong Lungsod ng Kabisera ng Oriental Mindoro sa Lunes, October 10, 2022.
