𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮: 𝑺𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒊 𝒂𝒕 𝑲𝒊𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒈𝒓𝒊𝒌𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏!
Sa pagsisimula ng unang araw ng Disyembre, maagang pamasko ang naipagkaloob ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 sa 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.
Pinangunahan nga ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, at ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 ang opisyal na pamamahagi ng mga ayuda sa ilalim ng 𝑹𝒊𝒄𝒆 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔 𝑬𝒏𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑭𝒖𝒏𝒅 ng 𝑫𝑨.
Sa ilalim ng 𝗥𝗖𝗘𝗙 𝗦𝗲𝗲𝗱𝘀, 𝟭𝟭𝟭 sako ng libreng binhi ng palay ang paghahatian ng mga miyembro ng Managpi FA at ay nagkakahalagang 𝗣𝗛𝗣 𝟲,𝟬𝟬𝟬. Samantala, 𝟭𝟭𝟳 magsasaka naman ang nakatanggap ng 𝑭𝒆𝒓𝒕𝒊𝒍𝒊𝒛𝒆𝒓 𝑫𝒊𝒔𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕 𝑽𝒐𝒖𝒄𝒉𝒆𝒓 kung saan kada isang hektarya ay may kaukulang halaga na 𝗣𝗛𝗣 𝟰,𝟬𝟬𝟬.
Samantala, 𝟭𝟬𝟰 magsasaka naman ang makakatanggap ng 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒓𝒗𝒆𝒏𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒊𝒕𝒐𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒓𝒅 sa ilalim ng 𝗥𝗖𝗘𝗙-𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 (𝗥𝗙𝗙𝗔) 𝗣𝗿𝗴𝗼𝗿𝗮𝗺. Ito ay magagamit nila sa pagpapadala ng pera, pagbabayad ng bills, at kagandahan din nito ay ididirekta na dito ang susunod na fertilizer discount vouchers.
Kaya naman pasasalamat ang ipinaabot nina 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗿𝗮𝗶𝗴 at 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶 𝗙𝗔 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗛𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇 sa DA at sa Pamahalaang Lungsod lalo na kay Mayor Morillo dahil sa pagpapahalaga sa mga magsasakang Calapeño.