Rizal: Pundasyon ng Kahapon, Isinasabuhay Ngayon

Naging kaisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa selebrasyon ng ika-127 taon ng kamatayan ng ating Pambansang

Bayani na si 𝗗𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗣. 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, Disyembre 30, 2023, na isinagawa sa harapan ng kanyang bantayog na matatagpuan sa Parke ng Lungsod.

Sumentro ang naging mensahe ni City Mayor Malou Flores-Morillo sa kaugnayan ng mga magagandang nagawa ni Dr. Jose Rizal na maaaring isabuhay at tularan ng mga katulad niyang lingkod-bayan. Aniya, ang mga halimbawang ito ay makakatulong upang mas mapagbuti pa ang pagseserbisyo para sa taumbayan. #RizalDay2023