Rivera’s Pop Music Center (RPMC) 

Dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Recital Activity ng Rivera’s Pop Music Center (RPMC) na ginanap sa City Mall, Barangay Ilaya, Calapan

City, nitong ika-20 ng Hulyo, kung saan dito ay kinabiliban ng mga manonood, gayundin ng punong-lungsod ang husay sa pag-awit ng mga kabataang hinubog sa larangan ng pagkanta, kung kaya’t nagpapasalamat siya sa mga taong nagpasimula ng ganitong makabuluhang gawain, gayundin sa mga magulang na buong pusong nakasuporta, para sa kanilang mga anak.