Natanggap na ng 𝟭,𝟱𝟴𝟵 magsasaka ng Calapan ang kanilang 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 sa Lumangbayan Covered Court nitong ika-9 ng Pebrero.
Pinangunahan ito ng 𝗗𝗔 – 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗙𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 na pinamumunuan naman ni 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝘁𝗲𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗮𝘀𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼, 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 (𝗔𝗣𝗖𝗢) kasama ang Landbank of the Philippines.
Tumulong naman sa pamamahala ng distribusyon ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ni 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, at ng Sangguniang Baranggay ng Lumangbayan sa pangunguna ni 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻𝗮 𝗥𝗼𝘄𝗲𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗹𝗮𝗿𝗶 na nagbukas ng kanilang komunidad.
Naging madali at mabilis ang proseso dahil nakahanda na ang mga cash card na naglalaman ng 𝗣𝗵𝗽 𝟱,𝟬𝟬𝟬; kinakailangan na lamang ipasa at i-validate ang mga kinakailangang dokumento.
Naroon naman ang Punong Lungsod upang makita ang kalagayan ng pamimigay at matiyak na maayos ang proseso ng distribusyon.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Mayor Morillo na maibahagi ang mga programang inihahanda ng Pamahalaang Lungsod para sa sektor ng mga magsasaka gayundin, ang mga aksyon at solusyong tutugon sa suliraning kinaharap nila dahil sa baha.












