Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗣.𝗘.𝗦.𝗢.) na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣.𝗘.𝗦.𝗢. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿, 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝗲𝗿 𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗠. 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗯𝗹𝗼, matagumpay na naisagawa ang “𝑹𝒆𝒐𝒓𝒈𝒂𝒏𝒊𝒛𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒕𝒓𝒆𝒏𝒈𝒕𝒉𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑷.𝑬.𝑺.𝑶. 𝑪𝒐𝒐𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒕𝒐𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒏𝒕𝒊-𝑰𝒍𝒍𝒆𝒈𝒂𝒍, 𝑹𝒆𝒄𝒓𝒖𝒊𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒓𝒂𝒇𝒇𝒊𝒄𝒌𝒊𝒏𝒈-𝑰𝒏-𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒔 𝑺𝒆𝒎𝒊𝒏𝒂𝒓𝒔”, na ginanap sa ABC Hall, DILG Building, City Hall Complex, nitong ika-6 ng Disyembre.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, kung saan nagtungo rin dito sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗶𝗰𝗼 “𝗝𝘂𝗻” 𝗖. 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗶𝗹𝗼 𝗝𝗿. (𝑆𝑃 𝑀𝑒𝑚𝑏𝑒𝑟, 𝐶ℎ𝑎𝑖𝑟𝑚𝑎𝑛, 𝐶𝑜𝑚𝑚𝑖𝑡𝑡𝑒𝑒 𝑜𝑛 𝐿𝑎𝑏𝑜𝑟), 𝐶𝑖𝑡𝑦 𝑃𝑟𝑜𝑠𝑒𝑐𝑢𝑡𝑜𝑟 𝗛𝗼𝗻. 𝗗𝗼𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗛. 𝗝𝗼𝘆𝗮, 𝗠𝗿. 𝗕𝗶𝗽 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇 (𝐷𝑒𝑝𝑎𝑟𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑜𝑓 𝑀𝑖𝑔𝑟𝑎𝑛𝑡 𝑊𝑜𝑟𝑘𝑒𝑟𝑠 𝑃𝑟𝑜𝑣𝑖𝑛𝑐𝑖𝑎𝑙 𝐷𝑖𝑟𝑒𝑐𝑡𝑜𝑟), at 𝐹𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦 𝑊𝑒𝑙𝑓𝑎𝑟𝑒 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟, 𝗠𝘀. 𝗖𝗿𝗶𝘇𝗮𝗻𝗱𝗿𝗶𝗮 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗶𝗴𝗮𝗹.
Samantala, ang seminar na ito ay nilahukan ng mga barangay officials, kabilang ang mga kapitan at konsehal ng iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan, gayundin ng mga 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣.𝗘.𝗦.𝗢. 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿.
Layunin ng isinagawang pagtitipon na magkaroon ng reorganisasyon at pagpapalakas ng Barangay P.E.S.O. Coordinators at mabigyang pansin ang tungkol sa Anti-Illegal, Recruitment at Trafficking-In-Persons, sa ilalim ng pangangasiwa ng City Public Employment Service Office (P.E.S.O.) na nagpapanatili ng kaayusan at kabutihang panlahat sa usaping serbisyo sa pampublikong trabaho na umaagapay sa mga mamamayan.