Bilang pagtugon sa kasalukuyang problema na kinahaharap ng lungsod sa kasalukuyang oil spill, minabuti ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪 na ipamahagi ang relief supplies na mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗) para sa mga mamamayan ng Calapan na ang ikinabubuhay ay ang pangingisda, isinagawa nitong ika-14 ng Abril.

Nakatanggap ng suportang ayuda mula sa Nasyunal ang nasa kabuoang 𝟭,𝟮𝟭𝟭 na benepisyaryo na mula sa 9 na Barangay sa Calapan: 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗲-𝟭𝟯𝟬 , 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻-𝟰𝟯𝟭, 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜 -𝟮𝟮𝟭, 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻-𝟭𝟬𝟰, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁-𝟭𝟰, 𝗣𝗮𝗰𝗵𝗼𝗰𝗮-𝟱𝟯, 𝗧𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻-𝟭𝟯𝟲, 𝗧𝗶𝗯𝗮𝗴-𝟯𝟱, at 𝗪𝗮𝘄𝗮-𝟴𝟳.

Ang nasabing relief supplies na kanilang natanggap ay naglalaman ng assorted foods, kung saan ay nakapaloob dito ang 5 kilong bigas, 5 corned tuna, 5 canned sardines, 5 pcs. na coffee, at 5 pcs. na Energen Champion.

Kaugnay nito, naging bahagi rin ng aktibidad na ito sina 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, at 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗧. 𝗘𝘀𝗰𝗼𝘀𝗼𝗿𝗮, kung saan ay kaagapay rin dito ang mga opisyales, at maging ang mga Punong Barangay.

Samantala, lubos namang nagpapasalamat ang mga apektadong Fisherfolk na nakatanggap ng relief supplies, dahil para sa kanila, malaking tulong ito para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Gayundin, patuloy na umaaksyon at sinisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ng butihing Ina na si Mayor Morillo na matulungan at masuportahan ang mga mamamayan sa Lungsod ng Calapan.