Ito na ang ika-apat na beses ng pamamahagi ng relief goods sa mga mangingisdang naninirahan sa coastal areas ng Lungsod ng Calapan.
Muling pinangasiwaan ng ๐๐ถ๐๐ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ sa pangunguna ni ๐๐ฆ๐ช๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ฎ ang pamamahagi ng ayuda na nagmula sa ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐ฆ๐ช๐) at ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ (๐ฃ๐๐ข๐ ).
May ๐ฎ๐ฎ๐ฒ na pamilya na nakatira sa Barangay Ibaba East at ๐ฎ๐ญ๐ต naman mula sa Ibaba West ang nakatanggap ng tig iisang kahon na naglalaman ng bigas at grocery items galing sa DSWD samantalang tig-iisang food packs din kada pamilya ang ipinagkaloob ng kapitolyo sa pamamagitan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor.
Dumalo sa nasabing gawain si ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ upang kamustahin na rin ang kanyang mga minamahal na kakabayan. Dito ay tiniyak ni Mayor Malou na ang Pamahalaang Lungsod ay patuloy na mamamahagi ng ayuda sa mga apektadong mangingisda habang ang 23 coastal barangays sa lungsod ay nananatiling nasa ilalim ng ‘๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐’. Kanya ring binigyang-kasiguruhan na ang lahat ng mga mangingisdang Calapeรฑo ay malayang mangisda sa lugar pangisdaan ng mga munisipalidad sa lalawigan na sa ngayon ay hindi na kontaminado ng oil spill.
Ipinagpasalamat naman ng mga benipisyaryo ang mga ayudang kanilang natanggap na anila’y malaking katulungan para sa kanilang pamilya lalo pa’t hindi pa rin nanunumbalik ang dating kondisyon ng karagatang sakop ng Lungsod ng Calapan na kung saan ay dito nila kinukuha ang ikinabubuhay ng kanilang mga pamilya.















