Nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa isinagawang “𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗠𝗘𝗟𝗟𝗣𝗜) 𝗥𝗲𝘀𝘂𝗹𝘁𝘀’ 𝗙𝗲𝗲𝗱𝗯𝗮𝗰𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆” para sa Calapan City, kaugnay sa 2nd year maintenance ng “𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑩𝒂𝒏𝒏𝒆𝒓 𝑺𝒆𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒊𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅”, kung saan ang mga rekomendasyon ay iniharap batay sa pagsusuri, ginanap sa Local Government Center, ABC Hall, Barangay Guinobatan, nitong ika-20 ng Abril.
Layunin ng MELLPI na masuri ang Lungsod ng Calapan, batay sa mga sumusunod na elemento: Vision/Mission, Nutrition Laws and Policies, Governance and Organizational Structure, Local Nutrition Committee Management, at Nutrition Interventions/Services, gayundin ang pagbabago sa nutritional status sa Lungsod ng Calapan.
Kaugnay nito, binigyang pansin din ang mga plano sa hinaharap, kaugnay sa mga programa at aktibidad na mayroong kinalaman sa kalusugan at nutrisyon, kabilang ang establishment of mobile/community kitchens, at institutionalized feeding programs.
Dagdag pa rito, sinasabing ginawa ang Regional MELLPI para sa 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿, na kinakatawan ni 𝗕𝗡𝗦 𝗟𝘂𝗰𝗶𝗮 𝗖𝗮𝘀𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼 ng Brgy. Sapul, gayundin para sa 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 na kinakatawan ni 𝗠𝘀. 𝗠𝗮. 𝗜𝗺𝗲𝗲 𝗖𝗲𝗹𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 ng Calapan City.
Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na resulta kaugnay rito, kung saan ang mga mananalo ay inaasahang pararangalan sa gaganaping Regional Nutrition Awarding Ceremony.
Samantala, kasama sa naging aktibidad na ito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗚. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, at 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻, 𝗠𝘀. 𝗠𝗮. 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗡. 𝗕𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗠𝗗.
Dumalo rin sa gawaing ito ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 na pinamumunuan ni CNC Chairperson, Mayor Morillo, kasama ang CNC members, City Health and Sanitation Department-Nutrition Section staff.
Narito rin ang mga miyembro ng 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗘𝘃𝗮𝗹𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗲𝗮𝗺 na pinamumunuan ng Regional Nutrition Program Coordinator ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 na si 𝗠𝘀. 𝗠𝗮. 𝗘𝗶𝗹𝗲𝗲𝗻 𝗕𝗿𝗶𝗻𝗴𝗮𝘀-𝗕𝗹𝗮𝗻𝗰𝗼, kasama sina 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗶𝗲 𝗠𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿𝗲𝘀 ng 𝗡𝗡𝗖 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝘇𝗿𝗲𝗲𝗹 𝗗𝗲𝗮𝗽𝗲𝗿𝗮 ng 𝗗𝗢𝗛 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗨𝗻𝗶𝘁, at 𝗠𝗿. 𝗥𝗶𝗰𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘂𝗯𝗮𝘁 ng 𝗗𝗔-𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔.














