Bilang 𝗥𝗚𝗖𝗠𝗖 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 ay pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang isinagawang pagpupulong ng 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 para sa unang quarter ng taon, Mangyan Hall, Heritage Museum, Marso 16, 2023.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga opisyal at representante ng iba’t ibang ahensya na miyembro ng komite at ilang mga panauhin na kinabibilangan ng 𝗗𝗣𝗪𝗛, 𝗗𝗘𝗡𝗥, 𝗟𝗧𝗢, 𝗗𝗜𝗖𝗧, 𝗗𝗜𝗟𝗚, 𝗣𝗡𝗣 at 𝗡𝗘𝗗𝗔 sa pangunguna ni 𝗡𝗘𝗗𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗖. 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗼𝘇𝗮 na siya ring 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻, 𝗥𝗗𝗖 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔.

Dumalo rin dito sina 𝗘𝗻𝗽. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, 𝗖𝗨𝗣𝗗-𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 at 𝗠𝘀. 𝗟𝘆𝗱𝗶𝗮 𝗠𝗲𝗹𝗴𝗮𝗿, 𝗣𝗣𝗗𝗢-𝗢𝗿𝗠𝗶𝗻. Samantalang si 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 ay kinatawan ni 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗿. 𝗛𝘂𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 sa nasabing pagpupulong.

Nandoon din ang ilan sa mga panauhin mula sa pribadong sektor gaya nina 𝗙𝗿. 𝗘𝗱𝘄𝗶𝗻 𝗚𝗮𝗿𝗶𝗴𝘂𝗲𝘇 ng 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝗠𝘀. 𝗡𝗮𝗻𝗲𝘁𝗵 𝗚𝗲𝗿𝗼𝗻𝗶𝗺𝗼 ng 𝗥𝗼𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗹𝘂𝗯 𝗼𝗳 𝗗𝗼𝘄𝗻𝘁𝗼𝘄𝗻 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 at 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗚𝘂𝗺𝗮𝗹-𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗠𝗨𝗜. Dito ay tinalakay ni Dir. Agustin Mendoza ang mga sumusunod:

• Lot Allocation of Department of Environment and Natural Resources (DENR) MIMAROPA

• Lot allocation of Department of Information and Communications Technology (DICT) MIMAROPA

Samantalang binigyang daan ng kinatawan mula sa DPWH District Engineering Office ang:

• Construction of perimeter fence and backfilling of MIMAROPA Regional Government Center (RGC)

• Construction of Commission on Population and Development (POPCOM) MIMAROPA Regional Office Building.

Sa Status of Regional Government Center Locators ay tinukoy ang Possible Locators as of February 2023:

𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝘀:

DOLE, BLGF, DAR, DOST, BFAR, NICA, NAPOLCOM, PAO, DHSUD, EMB, CDA, DPWH, TESDA, LTFRB, NTC, DSWD, CHED, PIA, NCIP, BFP, CHR, COA, MGB, DOJ-PPA, NBI, NIA, PDEA, PNP, RTWPB, OWWA, OCD

𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗴/𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝘀:

MARINA IV, DMW, NFA IV, CSC IV, FDA, PCA, PMS-ORIC, DFA, BSP-SLRO, PHILFIDA

𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁-𝗢𝘄𝗻𝗲𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻:

GSIS, SSS, PHILHEALTH, LBP, HDMF

𝗢𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀:

DA-BPI

Sa bilang na nabanggit, as of February 2023 ay mayroong 11 ahensya ang nakapagpatayo na ng kanilang gusali sa labas ng MIMAROPA Regional Center, ito ay ang: BFAR, BFP, LRA, LTO, NBI, NIA, OCD, PDEA, PNP, TESDA, PMS-ORIC.

Dalawang ahensya ang may Lot Allocation sa RGC, ito ay ang: POPCOM at ang PRC samantalang ang DENR at DICT ay may pending request for Lot Allocation.

Ang 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ay matatagpuan sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City na kabuuang sukat ng lupain na 5.4 hectares. Layunin nito na pagsama-samahin sa iisang lugar ang mga regional line agencies ng pamahalaang nasyunal at maging sentro ng pamamahala sa Rehiyong MIMAROPA na naaayon sa 𝑨𝒓𝒕𝒊𝒄𝒍𝒆 𝑽𝑰, 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 27 𝒏𝒈 𝑹𝒆𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑨𝒄𝒕 10879.

Dahil sa pagkakaroon ng RGC, mapapabilis ang pagproseso ng mga dokumento na kinakailangan ng mga taga Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan lalo na para sa mga taga Calapan City na hatid ay mabilis na pag-unlad ng rehiyon sa kabuuan.

Ayon kay City Mayor Morillo, nais niyang sa kanyang kapanahunan bilang Chairperson ng RGCMC ay masimulan ang pinapangarap na katuparan ng malaking proyektong ito para sa taga-MIMAROPA.