Binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang isinagawang “Reengineering and Citizen’s Charter Workshop” na nakaangkla sa “Republic Act No.
11032: An Act Promoting Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services”, na isinagawa sa pangunguna ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) Southern Luzon Regional Field Office, para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, katuwang ang City Human Resource Management Department, ginanap sa Calapan City Convention Center, nitong ika-25 ng Hulyo.