“𝑺𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐! 𝑩𝒆𝒏𝒕𝒆 𝑺𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝑻𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒍𝒐𝒏𝒈-𝑷𝒂𝒏𝒂𝒍𝒐”
Nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗥𝗶𝘂𝘀 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗖. 𝗔𝗴𝘂𝗮, at 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼 sa 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 – 𝗥𝗲𝗰𝗼𝗴𝗻𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲𝘀 𝗙𝗼𝗿 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 bilang bahagi ng pagdiriwang sa 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion nitong araw ng Linggo, ika-5 ng Marso.
Sa pangunguna ng City Education Department na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮, kaagapay si 𝗠𝗺𝗲. 𝗟𝗮𝗶𝗱𝗮 𝗠. 𝗟𝗮𝗴𝗮𝗿-𝗠𝗮𝘀𝗰𝗮𝗿𝗲𝗻̃𝗮𝘀 (𝗢𝗜𝗖-𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁), matagumpay na naisagawa ang aktibidad na dinaluhan ng mga huwarang guro, at mahuhusay na mag-aaral.
Ginawaran ng medalya at sertipiko ng pagkilala ang mga natatanging deligadong mag-aaral mula sa 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 at 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 na nagpakita ng angking kahusayan sa iba’t ibang larangang pang-akademiko na nagwagi sa iba’t ibang patimpalak.
Binigyan din ng 𝑴𝒆𝒅𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑨𝒑𝒑𝒓𝒆𝒄𝒊𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 ang mga gurong tumayo bilang coach na umagapay sa mga nagsipagwaging mga mag-aaral.
Gayundin, pinarangalan at kinilala rin ang ilan sa mga natatanging guro na sina 𝗠𝗿. 𝗗𝗮𝗿𝗲𝗻 𝗚. 𝗟𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗰, 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗹𝗮𝗻 𝗘. 𝗕𝗼𝗹𝗮𝘀𝗰𝗼, 𝗠𝗿. 𝗝𝘂𝗹𝗶𝘂𝘀 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗟. 𝗚𝗼𝗻𝘇𝗮𝗹𝗲𝘀, at 𝗠𝗿. 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗔. 𝗔𝗹𝗶𝗱𝗼, kasama ang ilan sa mga paaralan sa lungsod na silang nakatanggap ng 𝑻𝒓𝒐𝒑𝒉𝒚 𝒐𝒇 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏.
Lubos ang kanilang pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan, kay City Mayor Marilou Flores-Morillo, kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 ‘𝗕𝗶𝗺’ 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, at sa City Education Department na pinamumunuan ni City Education Officer, Ms. Myriam Lorraine D. Olalia.
Para kay Mayor Morillo, ang programa ay isang malaking patunay na patuloy na lumalago ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral na siyang tunay na karapat-dapat na ipagmalaki, kilalanin, at pamarisan.




















