Pinasinayaan at inilunsad ng 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀 (𝗠𝗜𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗖𝗢) ang bagong 𝟭𝟱 𝗢𝗙𝗚-𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘁𝘀 (𝗣𝗨𝗩-𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗜𝗜𝗜) na inaasahang tatakbo sa rutang Calapan City-Pinamalayan via CSR – vice versa, sa ilalim ng 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗨𝘁𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗲𝗵𝗶𝗰𝗹𝗲𝘀 𝗠𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗣𝗨𝗩𝗠𝗣), ginanap sa Isuzu Calapan City, Barangay Puting Tubig, nitong ika-6 ng Oktubre.
Ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ay makatutulong at makapagbibigay ng kaalwanan sa mga mamamayan, sapagkat layunin ng programang ito na maibigay ang mahusay, moderno, komportable at ligtas na pampublikong transportasyon sa bawat panig ng bansa, gayundin para mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero, maging ng mga tsuper.
Samantala, ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗥. 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂, 𝗮𝘁 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿, 𝗛𝗼𝗻. 𝗔𝗹𝗲𝗹𝘆 𝗖𝗮𝘀𝘂𝗯𝘂𝗮𝗻.
Narito rin sina 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗖𝗮𝘆𝗲𝘁𝗮𝗻𝗼 (𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱, 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲), 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗴𝗲𝗿 𝗞𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗜𝘀𝘂𝘇𝘂 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, 𝗠𝗿. 𝗬𝗮𝘀𝘂𝗵𝗶𝗸𝗼 𝗢𝘆𝗮𝗺𝗮 (𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁-𝗦𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗜𝘀𝘂𝘇𝘂 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻), 𝗠𝗿. 𝗚𝗲𝗻𝗮𝗿𝗼 𝗥𝗵𝗼𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗼𝗳𝗲 𝗝𝗿. (𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿, 𝗜𝘀𝘂𝘇𝘂 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻), 𝗥𝗔𝗗𝗠. 𝗟𝗼𝘂𝗺𝗲𝗿 𝗣. 𝗕𝗲𝗿𝗻𝗮𝗯𝗲 𝗣𝗡 (𝗥𝗲𝘁.), 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗟𝗧𝗙𝗥𝗕 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗜𝗩-𝗕, at 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝘄𝗶𝗻 𝗥𝗼𝗲𝗹 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀 (𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗟𝗲𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗟𝗕𝗣).