Nagtungo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay Gutad, nitong ika-17 ng Abril, upang bumisita
sa aktibidad na “Pulong-Pulong sa Barangay ni Hepe” na may temang “Serbisyong Nagkakaisa” na idinaos sa pangunguna ni PLTCOL DANILO U DRIZ JR, Chief of Police.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Sangguniang Barangay ng Gutad, Nag-iba I, Nag-iba II at Maidlang, gayundin ang mga BHW, BPAT at Barangay Tanod na mula rito.
Ang mga mahahalagang paksang binigyang-diin sa nasabing pagtitipon ay ang mga sumusunod:
Peace and Order Situation in Calapan City, Oplan Project S.P.A.R.E., Lupon ng Tagapamayapa, Brgy. Officials Function and Crime Prevention Tips, at Responsible Gun Ownership.
Ang ganitong uri ng makabuluhang gawain na naglalayong mapanatili ang katiwasayan, sa pamamagitan ng komprehensibong talakayan ay lubos na sinusuportahan ng Punong-lungsod, dahil batid niyang magsisilbing daan ito patungo sa kabutihang panlahat.