Pinapakiusapan ang lahat na ipagpaliban muna ang paliligo, pangingisda sa mga katubigang sakop ng Calapan, pagtitinda ng mga lamang-dagat na nagmula sa Calapan, at pagkain ng mga lamang-dagat mula sa Calapan. Pinapayuhan din ang mga senior citizens at may respiratory conditions na dumistanya 100 metro mula sa dalampasigan.
Huwag mag-igib at uminom ng tubig na ang sources ay direktang nanggagaling sa lupa 100 metro mula sa baybayin kung saan may namataang oil spill, gaya ng mga tubig na nagmumula sa poso o water-pump. Iwasan din humawak sa lupa na kontaminado ng oil spill.
